Kita Kita

Isa. Isang linggo na ang nakalipas mula na ikaw ay magbukas sa sinehan. Isang linggo na rin akong tulirong-tuliro at inggit na inggit dahil pakiramdam ko’y ako na lang hindi pa nakakapanood.

Dalawa. Dalawang oras bago ang sine, may ticket na ako. Dalawang oras akong nagpaikot-ikot sa mall dahil hindi ko inabot ang sked na dapat sana’y nakaupo at nanunood na ako. Single viewing lang daw at dahil late ako, yung susunod na showing na lang ang aking hinintay. 

Tatlo. Tatlo ang nasa menu ko bago ako pumasok sa sinehan. Shake shake Fries, Medium Coke, at Cheeseburger Deluxe na may repolyo (totoo, nakakapagpasaya!). Siniguro kong hindi ako kakain sa loob dahil gusto kong full attention ako sa pinilakang tabing.

Apat. Bagama’t mag-isa akong pumasok sa sinehan, may grupo ng apat na nagtanong kung may katabi daw ba ako. Sabi ko wala. Kaya ayun, feeling ko, may kasama din ako nanood. Sa loob din ng apat na segundo, nagsimula ang kwento ni Lea at Tonyo.

Lima. Lima o higit pa ang volume ng boses ko sa kakatawa sa mga karamihang parte ng pelikula. (Alam ng mga kakilala ko na malakas talaga ako tumawa). Kinailangan kong ikubli ang aking bibig sa aking infinity scarf upang hinaan ang volume.

Anim. Anim na taon ko ring binigay ang puso ko sa isang saging. Sa prinitong saging. Akala ko yun na. Baby lang. Walang dragonfly. Temporary blindness, ika nga. 

Pito. Pito at sobra-sobrang beses ko pang linunok ang aking mga hikbi habang patuloy na sinasalaysay ang kwento. Tama, tago pa rin ng aking infinity scarf. Sadyang iyakin talaga ako. Ngunit, may kirot sa aking dibdib ang bawat linyang binitawan at naantig ang aking buong pagkatao.

Walo. Walong minuto pagkabukas ng ilaw, nakaupo pa rin ako sa aking reclined seat. Nag-iisip, nagtatanong, pino-proseso ang takbo ng istorya ni Tonyo at Lea. Pilit pa ring pinipigil ang mga luha ngunit nahiya na rin dahil maliwanag na ang buong sinehan. Hinintay ko na lamang matapos ang credits. 

Siyam. Siyam na minuto rin ang ginugol ko sa restroom bago tuluyang lumabas ng sinehan. Napa-“Oh, sh*t!” ako ng makita ko ang aking reflection sa salamin: magang-maga, namumula, at lalong naningkit ang aking mga mata. Dinagdagan ko ang aking pulbos at naglagay ulit ng mascara.

Sampu. Sampung taon na nang kami’y magkakilala. Matagal na rin pala. Good memories na lamang ang naiwan at syang nakatatak sa alaala. Oo, nakapag-move on na ako dahil kaya ko na ulit mag-isa. At alam kong darating ang panahon, there will be two less lonely people in the world and it’s gonna be fine ūüôā

Kita Kita movie poster on FB


It’s now. It’s never.